SI MALAKAS AT SI MAGANDA (KUWENTONG-BAYAN)
Bago nagsimula ang panahon, ang daigdig ay isang malaking
kawalan. Ang tahanan ng Diyos ay di-masukat na kalawakan. Naging malungkutin ang
Diyos sapagkat wala Siyang makita at walang marinig.
Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto at ang
langit ay napapalamutihan ng mapuputing ulap. Sa malayo ay nakasilip ang buwang
kabilugan samantalang kukuti-kutitap ang libong mga bituin.
Iniangat ng Diyos ang Kanyang kanang kamay at ito’y
itinuturong pababa. Sa isang iglap ay nalalang ang mundo. Ang mga luntiang
kakahuyan ay sumibol, pati ang damo. Namukadkad at humalimuyak ang mga
bulaklak.
Ang mga dagat ay umalon at ang mga ilog ay umagos.
Nagliparan ang mga ibon sa himpapawid at nag-aawitan.
Nayari ng Diyos ang sanlibutan. Ito ay isang ginintuan at
mahiwagang paraiso.
Isang araw, ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang
papawirin. Pagkatapos ay ikinampay ang matipunong mga pakpak at napaimbulog na
pababa sa kakahuyan.
Mula sa malayo, kanyang natanaw ang mataas na kawayang
yumuyukod sa mahinhing paspas ng hangin. Kanyang binilisan ang paglipad at
napaimbulog na pababa. Siya’y dumapo sa naturang kawayan upang magpahinga.
Tok! Tok! Tok!
Nadama niya ang maririig na katok na nagmumula sa loob ng
kawayan. May tinig siyang narinig!
“Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!”
ang hinaing. Tuktukin ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako
makahinga. Para itong karsel!”
“Baka ito’y patibong !” ang isip ng ibon. Kinamayamaya’y may
butiking gumapang na paitaas sa kawayan. Ang ibong palibhasa’y gutom, ito’y
tinuka ngunit hindi nahuli. Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan.
Crack!
Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas.
KULTURA
TumugonBurahinMaganda
BurahinKompleto byn
BurahinTalagang napakagaling nga sa aking palagay ay sadyang napakaganda ng langit ng May mga butiwing nag niningning.
TumugonBurahinSa palagay ko’y napaka galing ng diyos dahil pinaganda nya ang kapaligiran o ang paraiso.
TumugonBurahinSaan ng mula ang kwentong bayan ng maganda at malakas??
TumugonBurahin