Huwebes, Mayo 25, 2017

AWITING PANUDYO/TUGMANG DE GULONG; Chit Chirit Chit



• AWITING PANUDYO/TUGMANG DE GULONG
Ang awiting ito ay karaniwang pumapaksa sa pag-ibig, pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan o maaaring ginawa upang maging panukso sa kapuwa.
Tingan ang halimbawa:
Chit Chirit Chit
Chitchiritchit alibangbang
Salaginto salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang.

Santo Niño sa Pandacan,
Puto seco sa tindahan
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.

Mama, Mama, namamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.

Ale, ale namamayong
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.

Sanggunian:
Santiago, Erlinda M. et al. (2010). Panitikang Filipino.
Mandaluyong City: National Book Store.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento