KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG IBONG ADARNA
Sinabi ni Santillan-Castrence (1940) na ang kasaysayan ng
Ibong Adarna ay maaaring hango sa mga kuwentong-bayan ng iba’t ibang bansa,
tulad ng Alemanya, Denmark, Romania, Austria, Finland, Indonesia, at iba pa.
Taglay ng Ibong Adarna ang motif
ng cycle
na matatagpuan sa mga kuwentong bayan o
folklore.
Ito’y ang sumusunod: maysakit ang ina (isang reyna) isang ama (isang hari) at
kailangan ng isang mahiwagang bagay upang gumaling, tulad ng ibong umaawit, tubig
ng buhay, halaman, at iba pa. Maglalakbay ang tatlong anak ngunit ang bunso ang
magtatagumpay (dahil matulungin) na makuha ang makalulunas na bagay sa tulong
ng
matandang
ermitanyo. Pagtutulungan siya ng nakatatandang mga kapatid upang agawan ng
karangalan, at magdaranas siya ng maraming hirap, ngunit magtatagumapy rin sa
huli.
Ilan
sa mga kuwentong-bayan na hawig ng Ibong Adarna ay ang sumusunod:
1.
Mula sa kuwentong Scala Celi (1300)
2.
Mula sa Hessen, Alemanya (1812)
3.
Mula sa Paderborn, Alemanya
4.
Mula sa Vaderbon, isinulat ni Gretchen Wild ang “Ang Maputing Kalapati” (1808)
5.
Mula sa Denmark (1696)
6.
Mula sa “Isang Libo’t Isang Gabi”
7.
Mula sa Malayo-Polinesya ni Renward Brandsetter
8.
Mula sa Malische- Marchen na tinipon ni Paul Ambruch
Ang mga kuwentong-bayan na ito ay may pagkakahawig ngunit
may pagkakaiba dahil sa kulturang pinagmulan ng bansa.
kapansin.pansin ang bunsong anak ang laging bida sa kwento. bakit kaya? samantalang sa tunay na buhay hindi naman totoo lagi na ang bunsong anak ang matino o mabait.
TumugonBurahin