MISS DOLYING
ni Pio A. Kabahar
(Dulang Cebuano)
Unang Yugto
Umaga sa isang silid pagamutan. Sa gitna ng silid ay may
anim na maliit na kama para sa mga pasyente. Sa kanan ay nakatayo ang lamesa ni
Bb. Dolying at sa kaliwa, isang lamesang punong-puno ng botelya na may ibat
ibang uri ng gamot.
Unang Tagpo
Bb. Dolying at Victor
Sa pagbubukas ng tabing, si Bb. Dolying ay nakaupo sa kanyang
lamesa at pinapanood si Victor na nakadapa at nagsisigaw habang sinisindihan
ang mga pira-pirasong papel, isa isa.
Victor: (habang sinusunog ang papel) Ha! Ha! Ha! Nasunog na ang
sulat ko sa aking kasintahan (Babangon at iiyak) Ang aking kasintahan ay
maganda! Walang hiya! Masamang ugali! Sinunog niya ang aking puso.
Dolying: (Lalapit sa kanya at iiling-iling) Kawawa naman! Victor,
kilala mo ba ako?
Victor: Ha! Ha! Ha! (Aabutin ang kanyang kamay.) kilala kita!
(hahalikan ang kanyang kanang kamay) Ikaw ang aking kasintahan. Ikaw ay
maganda, ikaw ay isang nars, ikaw ang aking mahal. Hehehe! Ano, hindi ba?
Sinungaling. Iiyak ako! Sinungaling ka.
Dolying: Kawawang nilalang. Tuluyan nang nasira ang kanyang isipan.
Ayon sa doctor ay nabaliw siya dahil sa isang babae. Sa kanyang mga isinisigaw,
maaaring siya‘y naloko sa pag-ibig. Wala siyang nabanggit kundi ang tungkol sa kaniyang
kasintahan. Nagtataka ako kung sino ang babaing naging dahilan ng kanyang
pagkabaliw.
Victor: (Tatayo, parang takot) Nakikita ba ninyo? (nanginginig at
parang may itinuturo) Hee! Siya ang aking kasintahan. Nahuhumaling siya sa
akin. Ngunit (iiyak) siya ang nagsunog ng sulat ko. Nanginginig ang aking
kamay. Sinunog niya ang sulat ko.
Dolying: Siya! Siya! Magpahinga ka na. Maupo ka upang hindi sumakit
ang ulo mo.
Excerpt mula sa dula na Ms.
Dolying
Yan lang ba wala nang tuloy na dula
TumugonBurahinmay katuloy pa po ba yan?
TumugonBurahinNasaan yung karugtong?🤔🤔🤔
TumugonBurahinAsan ang Simula
TumugonBurahinPaano ilahad sa timeline ang daloy ng mga pangyayari sa dulang miss dolying.ilahad kung paano ito nagsimula ang dula,mga kasunod na pangyayari,at kung paano ito nag wakas.
TumugonBurahin