MGA
MATATANDANG ANYO NG PANITIKAN
Ang kuwentong-bayan o folklore ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong
na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kuwentongbayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
Kaugnay nito ang alamat at mga mito.
Ang mitolohiya ay isang kuwentong nagpasalin-salin na sa dila mula sa
katutubo hanggang sa kasalukuyan, masasabing halos ipinakikita rin nito ang
tradisyon ng isang lahi. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga
diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan
ang mitolohiya sa alamat at kuwentongbayan ayon sa mga mananaliksik. Ilan sa
mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego ay ang mga diyos na sina Zeus,
Aphrodite, Athena, at iba pa.
Ang alamat ay
isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay
sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa
tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang
alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa
salitang legend ng
ingles.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento