ANTAS NG WIKA
Ang wika ay
nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang
pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon,
katayuan, at okasyong dinadaluhan.
a. Pormal – Ito ay
antas ng wika na pamantayan at kinikilala/ginagamit ng nakararami.
•
Pambansa – Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila
para sa paaralan at pamahalaan.
Halimbawa:
–
asawa, anak, tahanan
•
Pampanitikan o panretorika – Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga
salita ay karaniwang malalim, makulay, at masining.
Halimbawa:
–
kahati sa buhay
–
bunga ng pag-ibig
–
pusod ng pagmamahalan
b. Impormal –
Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang-araw-araw, at madalas gamitin
sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
•
Lalawiganin – Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan. Makikilala
ito sa kakaibang tono o punto.
Halimbawa:
–
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
–
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
–
Buang! (Baliw!)
•
Kolokyal – Pang-araw-araw na salita. Maaaring may kagaspangan nang kaunti.
Maaari din itong maging kagalang-galang ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.
Halimbawa:
–
Nasan, pa’ no, sa’kin, kelan
–
Meron ka bang dala?
•
Balbal – Sa Ingles, ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa:
–
chicks (dalagang
bata pa)
–
orange (bente
pesos)
–
pinoy (Pilipino)
Salamat dito! Marami akong natutunan tungkol sa wika at mga antas nito.
TumugonBurahin