PANAWAGAN NG MAY-AKDA (SAKNONG 1–SAKNONG 6)
O, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
Liwanagan yaring isip
Nang sa layo’y di malihis.
Ako’y isang hamak lamang
Taong lupa ang katawan,
Mahina ang kaisipan
At maulap ang pananaw.
Malimit na makagawa
Ng hakbang na pasaliwa
Ang tumpak kong ninanasa
Kung mayari ay pahidwa
Labis yaring pangangamba
Na lumayag na mag-isa,
Baka kung mapalaot na
Ang mamangka’y di makaya
Kaya, Inang matangkakal
ako’y iyong patnubayan,
nang mawasto sa pagbanghay
nitong kakathaing buhay.
At sa tanang nariritong
Nalilimping maginoo
Kahilinga’y dinggin ninyo
Buhay na aawitin ko.
Salamat!!!!!
TumugonBurahinSino ang nagdarasal sa unang bahagi ng akda?
TumugonBurahinAno ang nilalaman ng kanyang panalangin?
Bakit sa Mahal na Birhen siya nagdarasal?
1.Sino ang nagdarasal sa unang bahagi ng akda
Burahin2.Ano ang kaniyang ipinagdarasal
3.Bakit humihingi ang may-akda ng patnubay sa mahal na birhen
Ano ang kanyang ipinag darasal
BurahinSa mga saknong na ito ay ipinakita Ang taimtim na pananampalataya Ng tauhan
TumugonBurahin