ANG ALAMAT NG BAYSAY
(Bahagi ng The Beautiful Bungangsakit)
Salin ni Reynaldo S. Reyes
Mula sa ”The Legend” by
Damiana L. Eugenio, UP Press
Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat,
ang mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita, ay nagtungo
sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silang bumuo ng
panibagong nayon at matatag na kuta
na yari sa mga batong adobe. Pinatatag
nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa marahas
na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamuno ng Binongtoan ay sina Ambrocio
Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy, at Tomas Makahilig. Sa
pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita, sila’y
nagkasundo na pangalanan ang lugar na Baysay
na may kahulugang “maganda” bilang
parangal at sa alaala ng kanilang magandang si Bungangsakit.
Samantala, ang mga taga-Omit na
nakasalamuha ni Bungangsakit nang kanyang kabataan ay hindi sumama sa
pagtatatag ng bayan ng Baysay. Sa halip, sila’y nagkaisa at nagtatag ng
kanilang sariling barangay na pinangalanang Guibaysayi, na may kahulugang “Ang
Pinakamaganda” bilang pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si
Bungangsakit. Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga
tagapagtanggol na binubuo ng matatapang na kalalakihan sa kanilang lugar na pinamumunuan
ni Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang ang mga tulisang-dagat
ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bato sa
Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa kutang ito magtitipon ang matatapang na
tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin ang kanilang mga gagawing depensa laban
sa mga tulisang-dagat at upang mamatyagan ang paparating na mga vinta.
Noong 1832, ang ilang piling lugar sa
Bungal ay inihanda para sa pagtatayo ng Simbahang Katoliko ng mga Heswita.
Subalit sa kakapusang-palad, ang walo-walo ay dumating at sinalanta ang buong
kuta. Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na pag-ulan nang malakas na
may kasamang malalakas na hangin. Pagkalipas ng ilang araw, dumaan pa ang
napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar na kumitil sa napakaraming buhay
at sumira ng napakaraming ari-arian. Sapagkat walang matirahan ang sinalanta ng
bagyo, ang mga natirang buhay na naninirahan sa Baysay ay nagpasyang muling
kumilos upang humanap ng lugar na may mga burol na magsisilbing pananggalang sa
malalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang
kinalalagyan ng bayan ng Baysay. Malapit sa lugar na
ito ay matatagpuan ang mga burol. Isa sa mga ito ay tinayuan ng mga katutubo ng
mataas na tore. Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga vinta at
ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at kublihan kapag
may malalakas na bagyo.
salamat po
TumugonBurahinMaganda ang kwento na ito maraming salamat😀😀
TumugonBurahinThank u..i realy need this for my report..😀😀
TumugonBurahinThank you i realy need this report for mi😊😊
TumugonBurahintyirntrfm
TumugonBurahinYeah
TumugonBurahinThank you I need this for my assignment 😁
TumugonBurahinTanong ko po ano po na and di kapanipaniwala at kapanipaniwala ang nangyari sa kwento tatlong sagot po sa dalawa kailangan ko na po salamat.
TumugonBurahinano-anong mga pag-unlad ang naganap sa mga mamamayan sa kwento? PAKI LANG PO tank u po 'xxx
TumugonBurahinganda po thanks
TumugonBurahinganda po thx
TumugonBurahinMarami akong natutunan sa kwento
TumugonBurahin