Huwebes, Mayo 25, 2017

KARUNUNGANG BAYAN; BUGTONG; PALAISIPAN



• KARUNUNGANG BAYAN
Mayaman ang mga Pilipino sa karunungang bayan tulad ng salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at mga kawikaan. Ito ang nagsilbing libangan ng mga ninuno noong unang panahon.

• BUGTONG
Ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma. Ang pantig naman nito ay maaaring apat hanggang labindalawa.
Halimbawa:
Isang supot na uling,
Naroroo’t bibitin-bitin
Sagot: duhat

May ulo’y walang buhok,
May tiyan, walang pusod
Sagot: palaka

• PALAISIPAN
Ito ang mga tanong na kadalasang nakalilito sa mga tagapakinig. Sa una akala mo’y walang sagot o puno ng kalokohan ngunit kung susuriin, ang palaisipan ay nagpapatalas ng isip at kadalasang nagbibigay ng kasanayang lohikal sa mga nagtatangkang sumagot.

Halimbawa:
May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian, pambihirang ganda. Bawal tumingala upang siya’y makita. Ano ang gagawin ng binatang sumisinta?
Sagot: Iinom ng tubig upang kunwa’y mapatingala at makita ang prinsesa.

4 (na) komento: